Isang senior citizen ang nasawi sa sunod sa Lirio Street, Barangay Pembo, Taguig City noong Enero 8, 2024 ng madaling araw.

Ayon sa Taguig City - Bureau of Fire Protection, ang nasawi ay si Mamerto Cordovez Jr., 61 taong gulang.

News Image #1

(Larawan mula sa Makati Pateros Fire and Rescue Volunteers)

Ang sunog ay naitawag sa mga bumbero ng 12:40 ng madaling araw noong Enero 8 at naapula ng 1:14 ng madaling araw.

Apat na pamilya o 12 indibidwal ang naapektuhan ng sunog na nakatupok sa may P525, 000 halaga ng mga ari-arian.

News Image #2

(Larawan mula sa Makati Pateros Fire and Rescue Volunteers)

Napag-alaman na ang sunog ay nagsimula sa kuwartong tulugan at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Personal namang inalam nina Taguig Mayor Lani Cayetano at Senador Alan Peter Cayetano ang kalagayan ng mga nasunugan kinaumagahan ng Enero 8.

News Image #3

(Larawan mula sa Taguig PIO)

Nagpaabot ng tulong sa mga biktima ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).