Mahigit ₱800, 000 na halaga ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu ang nakumpiska sa isang senior high school student sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Bagong Kalsada Street barangay Ususan, Taguig City noong gabi ng Setyembre 12, 2024.
Ang 20 taong gulang na kinilala lamang sa alyas na Alexis ay matagal nang tinutugaygayan ng pulisya dahil sa kinalaman sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot at nakalista bilang high value individual o HVI.
Ayon sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station, nakuha nila kay Alexis sa isinagawang operasyon bandang alas 9:20 ng gabi noong Huwebes ang 126.2 gramo ng shabu na tinatayang ang halaga ay ₱858,160.00, kasama ang buy-bust money na ₱ 1,000 totoong bill na nasa ibabaw ng ₱ 29, 000.00 na halaga ng boodle money, plastic bag at cellular phone.
Haharapan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek samantalang ipinadala na sa Southern Police District Forensic Unit ang mga ipinagbabawal na gamot para sa chemical analysis.
(Mga larawan mula sa Taguig CPS)
Senior HS Student Nahulihan ng ₱858,160 Shabu sa Barangay Ususan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: