Hindi na kailangan ng purchase booklet kapag bibili ang mga senior citizens ng gamot, para makakuha ng kanilang diskwento.

News Image #1

(Larawan ni Marou Sarne)

Nilagdaan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang isang administrative order (AO) na nagtatanggal ng pangangailangan sa purchase booklet para makakuha ng kanilang diskwento sa gamot ang mga senior citizens sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

News Image #2

(Larawan ng Department of Health)

Batay sa Department of Health (DOH) AO No. 2024-0017, hindi na dapat hingin ng botika ang purchase booklet ng senior citizens, subalit kailangan pa ring maipakita ang senior citizen's ID at ang reseta ng doktor para makuha ang kanilang diskwento sa gamot.

"I am also a senior citizen. I know it is hard to always bring a purchase booklet with you. Seniors need the discount on their medicines, and we must make it easy for them to get that," ang pahayag ng Kalihim ng DOH.

"On behalf of President Ferdinand R. Marcos, Jr., we at the DOH give this gift of convenience and more affordable medicines to all of our senior citizens. Merry Christmas po!" pagtatapos ni Herbosa.