Isandaang libong piso ang ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa bagong sentenaryo ng Barangay South Signal, Taguig City.

News Image #1

(Larawan ng Taguig PIO)

Ang 100 taong gulang na si Filomeno Bastasa ay isang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa susunod na kaarawan ni Bastasa, maaari itong makatanggap muli ng P100, 000, bilang regalo ng Taguig sa mga patuloy na malakas kahit lampas 100 taon.

Sa tulong ng Office of Seniors Affairs (OSCA) Taguig, hindi lamang centenarians ang nakakatanggp ng regalong pera kung hindi maging ang iba pang seniors citizens, kung saan nasa pagitan ng P3, 000 hanggang P10, 000 ang maaari nilang makuhang cash gift.

Mayroon ding serbisyong pang-dialysis, nursing services at iba pang sakit na walang babayaran. Bukod dito ang libreng nursing services sa kanilng tirahan, may libre pang wheelchair at hearing aids.