Itinaas ang Signal Number 1 sa 24 na lugar sa bansa ngayong Martes, Setyembre 17, 2024, dhil sa Tropical Depression na si Gener na kumikilos papuntang kanluran sa Hilagang Luzon.
(Larawan ng PAGASA)
Kaninang alas 4:00 ng madaling araw, ang sentro ng bagyo ay nasa Alicia, Isabela, na ang dalang hangin ay 55 kilometro kada oras at may pagbugsong nasa 70 kilometro kada oras. Kumikilosi to sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar:
* hilagang parte ng Metro Manila (Quezon City, Caloocan City, City of Valenzuela, City of Malabon, City of Navotas, City of Marikina, City of Manila, City of San Juan, City of Mandaluyong)
* Cagayan including Babuyan Islands
* Isabela
* Quirino
* Nueva Vizcaya
* Apayao
* Kalinga
* Abra
* Ifugao
* Mountain Province
* Benguet
* Ilocos Norte
* Ilocos Sur
* La Union
* Pangasinan
* Zambales
* Tarlac
* Nueva Ecija
* Pampanga
* Bulacan
* hilaga at gitnang bahagi ng Bataan (Dinalupihan, Orani, Hermosa)
* Aurora
* hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands
* hilagang bahagi ng Rizal (Rodriguez, San Mateo)
Signal Number 1 Nakataas sa Hilagang Bahagi ng Metro Manila at 23 Pang Lugar (as of 8:00 am September 17, 2024) | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: