Signal Number 5 na sa Santa Ana at Gonzaga, Cagayan makaraang mailagay na sa kategoryang super typhoon ang bagyong Ofel.

News Image #1


Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Cagayan Valley Region ang target ng bagyong Ofel na may dalang 185 kilometro kada oras na bilis ng hangin malapit sa gitna at ang pagbugso ay nasa 230 kilometro kada oras at may central pressure na 935 hPa.

Ang sentro ng mata ng bagyong Ofel ay nasa baybaying katubigan ng Divilacan, Isabela (17.5°N, 122.7°E). Kumikilos ang bagyo sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras. Ang lawak ng malakas na hangin nito ay sumasakop sa 320 kilometro mula sa gitna.

News Image #2


Signal number 4 naman sa:
• Babuyan Islands
• hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
• hilaga silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Signal number 3 naman sa:
• Batanes
• Nalalabing bahagi ng Cagayan
• Hilaga, gitna at timog silangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue)
• Hilagang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao)
• Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

Signal number 2 naman sa:
• Kanluran at timog na bahagi ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro)
• Hilaga silangang bahagi ng Quirino (Maddela)
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Kalinga
• Hilaga silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)
• Silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis)
• Silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista)
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
• Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag)

Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Nalalabing bahagi ng Quirino
• Nueva Vizcaya
• Nalalabing bahagi ng Mountain Province
• Nalalabing bahagi ng Ifugao
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Hilagang bahagi ng Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay)
• Ilocos Sur
• Hilagang bahagi ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan)
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis)

News Image #3


Ngayong hapon babagsak sa lupa ang bagyong Ofel partikular sa silangang baybayin ng Cagayan. Lilitaw ito muli sa Babuyan Channel ngayong gabi habang magla-landfall ulit o dadaan ng napakalapit sa Babuyan Islands.

Liliko ito tungong hilaga hilagang kanluran at sa hilaga hilagang silangan sa karagatan ng Batanes (sa kanluran nito) bukas, Nobyembre 15, 2024. Pupunta naman ito sa karagatan ng Taiwan sa Nobyembre 16 at saka tutuloy sa Ryukyu Islands.

(Mga larawan ng PAGASA)