Mahalagang matutunan ang kaligtasan sa daan, at sa kauna-unahang pagkakataon, nagtulong-tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, ang Department of Education - School Division Office of Taguig City and Pateros (DepEd TAPAT) at ang Honda Foundation, Incorporated (HFI) para sa "Students on Safety" program sa Signal Village National High School (SVNHS).

News Image #1


Layunin ng programa na mailagay sa isipan ng mga kabataan ang kaligtasan sa daan, ang mahusay na pagmamaneho at pagsakay ng mga sasakyan ng mga esdtuyante, guro at iba pang tauhan ng eskwelahan para sa proteksyon ng lahat.

Sa pamamagitan ng Students on Safety (SOS) program ng Honda, tinuturuan ng mga praktikal na kaalaman sa kaligtasan sa daan sa paraang madaling maunawaan at magiging masaya para sa mga tinuturuan.

News Image #2


Ang SOS ay nagmula sa naunang safety riding promotion ng Honda kung saan isinagawa ito sa iba't ibang siyudad sa Metro Manila at nakatuon lamang sa mga motorcycle riders.

Mahigit sa 250 road users na mga junior at senior high school students ng SVNHS kasama ang kanilang mga guro at mga tauhan ng eskwelahan and lumahok sa programa.

Dumalo rin sina HFI President at concurrent president ng Honda Parts Manufacturing Corp. (HPMC) na si Seiji Fujimoto; HFI Board of Trustees na pinangunahan ni Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI) President, Rie Miyake; Honda Trading Philippines Ecozone, Corp. (HTPE) President, Tomoyuki Mabuchi, DepEd TAPAT; at mga opisyal ng SVNHS.

News Image #3


Bahagi rin ito ng layunin ng programang wala nang mamamatay sa mga aksidente sa daan pagdating ng 2050.

(Mga larawan mula sa Honda Foundationg Incorporated)