Magkakaroon na naman ng pagtataas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso.
Ang pagtataas ay nasa P0.0229 per kilowatt hour (kWh), o nangangahulugang ang tipikal na kabahayan at madadagdagan ang singil ng P11.9397 per kWh ngayong buwan mula sa P11.9168 per kWh noong Pebrero.
Kung ang isang residential na customer ay kumokonsumo ng 200 kWh, madadagdagan ang electricity bill nito ng tinatayang P5.00.
Bagaman at may pagtataas ang singil sa kuryente, bahagya pa rin ang pagtaas na ito dahil bumaba naman ang generation charge, ayon sa Meralco.
Ang malaking adjustment pataas sa transmission charge ay nahila kahit paano pababa ng mas bumabang generation charge, ayon kay Meralco Vice President Joe Zaldarriaga.
May P0.3518 per kWh na pagbawas sa generation charge ngayong buwang ito.
Nilinaw ng Meralco na taga-pasa lamang sila ng mga pagbabago ng bayad sa generation at transmission charges dahil binabayaran ito sa mga power supplier at grid operator.
Ang mga buwis, universal charges at ang Feed-In Tariff Allowance o FIT-All ay ibinibigay naman nila sa gobyerno.
Ang binabayaran ng konsyumer sa Meralco ay ang distribution charge na ayon sa Meralco ay hindi pa gumalaw simula ng ibinawas na P0.0360 per kWh noong Agosto 2022.
(Larawan mula sa Meralco)
Singil sa Kuryente ng Meralco ngayong Marso, Tataas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: