Malalaman na mamayang gabi ang magwawagi bilang Mutya ng Taguig 2024 sa Gabi ng Koronasyon na isasagawa sa Taguig City University Auditorium mula alas 6:00 ng gabi, Mayo 25, 2024.

News Image #1


Tatlumpu't pitong mga naggagandahang kandidata ng mga barangay sa Taguig City, kasama ang mga bagong barangay nito sa EMBO (enlisted men's barrio) ang maglalaban-laban sa korona ng Mutya ng Taguig.

News Image #2


Limang de-kalibreng hurado ang pipili sa magwawagi ng korona sa pangunguna ni Emma Tiglao, isang news anchor at host sa TV at Binibining Pilipinas Intercontinental noong 2019.

News Image #3


Hurado rin si Ian Mendajar na isang pageant runway coach kung saan ang ilan sa mga tinuruan nito ay sina Michelle Dee, Beatrice Luigi Gomez at Rabiya Mateo.

Ang fashion designer at artistic director at choreographer na si Lemuel Rosos na siya ring regional director ng Mister International Philippines Visayas ay makakasama rin sa pipili ng magwawagi sa Mutya ng Taguig 2024.

News Image #4


Ang direktor ng " An Inconvenient Love" at "A Very Good Girl" na si Petersen Vargas ay isa rin sa limang hurado.

At ang ika-limang hurado ay si Katrina Llegado ng Taguig na Miss Universe Philippines 2022 second runner-up at nanalong Best in Swimsuit sa naturang patimpalak.

Sikat din ang mga emcees ng Coronation Night ng Mutya ng Taguig 2024 na kinabibilangan nina Nicole Cordoves, isang dating beauty queen at host ng Drag Den, at si Jazper Tiongson, isang multimedia host at mang-aawit.

News Image #5


Ang kaganapang ito ay bukas sa publiko subalit may ilan lamang tagubilin sa mga manonood dito.

News Image #6


(Mga larawan mula sa Mutya ng Taguig Facebook Page)