Nakapasok na sa second reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas kaugnay ng Sexual Orientation and Gender Identity/Expression (SOGIE) noong Mayo 14, 2024

Ang SOGIE bill o House Bill No. 4982, ay isang panukalang batas na nagsusulong na tanggalin ang diskriminasyon sa mga taong nais lamang maihayag ang kanilang sexual orientation o gender identity na iba sa kung ano ang kanilang naka-assign na gender sa kanilang kapanganakan.

News Image #1


Sinabi ni Congresswoman Geraldine Roman, may-akda ng panukalang batas, na nais niyang makapasa na ang batas sa kasalukuyang kongreso makaraang hindi ito makalusot sa Senado nung nakaraang kongreso.

Naniniwala rin si Roman na susuportahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos makaraang magpalabas ang pangulo ng kautusan noong Disyembre 22 ng nakaraang taon sa pamamagitan ng Executive Order 51 na nagpapalakas sa Diversity and Inclusion Program (DIP); maitatag muli ang Inter-Agency Committee on Diversity and Inclusion; at mabuo ang Special Committee on Lesbian Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex and Asexual (LGBTQIA+) Affairs.

Nais ng Pangulo na mapalakas ang mga mekanismo upang matugunan ang patuloy na diskriminasyon sa mga komunidad at makalahok ng maayos sa paggawa ng mga polisiya sa gobyerno ang mga LGBTQIA+.

"It has helped. The importance of this is the determination to eradicate discrimination in the Executive. But it is not enough. We need a law to protect the LGBTQ plus in the learning institutions, workplace, public establishments and the use of accommodations," ayon kay Roman.

Idinagdag pa niyang may 77 local government units na may ordinansang laban sa diskriminasyon ng LGBTQIA+ pero wala pang pambansang batas kaugnay nito.

Dumalo naman ang LGBT Pilipinas - Taguig City sa isinagawang pagbasa sa SOGIE bill sa Kongreso noong Mayo 14, 2024. Sinuportahan sila ni Taguig City 1st District Representative Ricardo 'Ading' Cruz Jr.

News Image #2


"Together, we raised our voices to advocate for the rights and protection of the LGBTQ+ community in the Philippines. The SOGIE SC Equality Bill represents a significant step towards ensuring that every Filipino, regardless of their sexual orientation, gender identity, or expression, is treated with dignity and respect," ang pahayag ng LGBT Pilipinas - Taguig City sa kanilang Facebook post.

News Image #3


"We are grateful to Congressman Geraldine Roman for championing this cause and for her tireless efforts in pushing for legislation that promotes equality for all. The passage of this bill will bring us closer to a more inclusive and accepting society, where everyone can live their lives authentically and without fear of discrimination," dagdag pa ng mga ito.

(Mga larawan mula sa LGBT Pilipinas - Taguig City)