Nagtaas ng P1.64 kada kilogram ang Solane liquefied petroleum gas (LPG) ngayong araw na ito, Nobyembre 1, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Solane website)

Ang pagtataas ay epektibo simula alas 6:00 ng umaga ngayong All Saints' Day,

Tanging ang kumpanyang Isla LPG Corporation lamang na nagsu-suplay ng Solane sa buong bansa ang nag-anunsyo ng pagtataas ngayong araw na ito.

Noong Oktubre 1, 2024, nagtaas na rin ang Solane ng P0.82 kada kilogram ng LPG samantalang ang Petron Gasul naman ay nagtaas noon ng P0.80.

Noong Setyembre, ang mga kumpanya ng petrolyo ay nagpatupad din ng pagtataas na P0.55 sa bawat kilogram ng ipinanglulutong LPG.

Sa nakalipas na Oktubre, sinabi ng Department of Energy na ang presyo ng 11 kilogram ng household LPG ay nasa pagitan ng P850 hanggang P1, 110 sa Metro Manila.