Nagsagawa ng sorpresang random drug test ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga tauhan nito noong Enero 2, 2025, sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Pinangunahan ni Acting NCRPO Director Police Brig. General Anthony Aberin ang naturang random drug testing sa guard mounting/reporting ng mga nag-duty na pulis noong pagsalubong ng Bagong Taon.

News Image #2


Ang hakbanging ito ay bahagi ng pagnanais ng NCRPO na ang mga tauhan nito ay may mataas na antas ng disiplina at integridad.

Ipinaalala rin ni Aberin ang kahalagahan ng command responsibility at striktong pagpapatupad ng mga alituntunin sa kampo.

News Image #3


"This random drug testing unequivocally shows NCRPO's commitment to integrity and trustworthiness within the ranks. We shall aspire to embody the values of the PNP, and as members of the police organization, we should show that we are examples of accountability," ayon kay Aberin.

Samantala, nagsagawa rin ng random drug testing sa mga tauhan ng Southern Police District sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Enero 2, 2025.

Tatlumpu't isang pulis ng SPD ang isinailalim sa sorpresang drug test sa loob ng conference room ng SPD bandang alas 10:00 ng umaga.


Kabilang sa 31 ay ang mga hepe ng District/Station Drug Enforcement Unit, District/Station Intelligence Section at Station Warrant Section.

(Mga larawan ng NCRPO)