Isang Koreano ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa US$ 1 milyong halaga ng panloloko sa mga pinansiyal na institusyon sa pamamagitan ng pangungutang.

News Image #1

(Larawan mula sa Immigration Bureau)

Ang 56 na taong gulang na Koreano na hindi inihayag ang pangalan bunga ng isyung pang-seguridad, ay naaresto sa mismong opisina ng BI sa Intramuros, Manila noong Setyembre 12, 2024.

Nang ibigay nito ang pasaporte sa BI regulation division para sa pagpo-proseso, nakita ng tauhan ng BI sa computer na mayroon itong aktibong warrant of arrest na ipinalabas ng Seoul Jungang District Prosecutor's Office noong 2021 dahil sa krimeng pang-ekonomiya na isang paglabag sa batas ng South Korea.

Mayroon itong Interpol Red Notice dahil sa mga isinumiteng loan application kung saan dinispalko nito ang mga inutang.

Inaresto ito kaagad ng fugitive search unit ng BI. Agad na inilipat ang suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang proseso ng deportasyon nito.