Nakapiit na sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang isang South Korean na lalaking wanted sa kanyang bansa dahil sa panloloko gamit ang telekomunikasyon.
(Larawan ng Bureau of Immigration)
Naaresto si Park Seul Ki, 33 taong gulang, sa kanyang tinitirhan sa isang subdibisyon sa Parañaque City ng mga operatiba ng fugitive search unit ng BI.
Isang warrant of deportation ang inisyu ng BI laban kay Park noon pang 2017 dahil ilegal na ang pananatili nito sa bansa. Napag-alaman na 2016 ito pumasok ng Pilipinas at hindi na umalis simula noon. Bukod dito, matagal nang kinansela ng South Korean government ang kanyang pasaporte.
"He had continuously eluded arrest for the past seven years since he fled to the Philippines to avoid prosecution for his crime. Finally, the long arm of the law has caught him and we will send him back to Korea so he could answer the charges filed against him," ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.
Batay sa ulat ng Interpol National Central Bureau sa Manila, may arrest warrant din si Park mula sa central prosecutor's office sa Seoul agt Hong Sung District court dahil sa kasong panloloko na paglabag sa telecommunications business act ng South Korea.
Miyembro diumano si Park ng isang sindikato na nagsasagawa ng voice phishing para makapambiktima. Nagpapanggap diumano itong isang government investigator upang makakuha ng mga personal na impormasyon sa biktima na nagagamit nila sa krimen.
South Korean na Lalaking may Kinalaman sa Telco Fraud, Nagtago ng 7 Taon sa Pilipinas, Arestado Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: