Isang pagtatanghal ng sports ng South Korea at ng Pilipinas ang ihahatid ng Korean Cultural Center (KCC) sa Bonifacio Global City Arts Center sa Agosto 9, 2024.

Ito ay bilang pagpapatuloy pa rin ng selebrasyon ng ika-75 anibersaryo ng magandang relasyon ng South Korea at Pilipinas.

News Image #1


Mula sa Globe Auditorium, mapapanood ang "Sticks & Kicks: Phil-Kor National Sports Demonstration," kung saan ang mga pangunahing atleta ng Pilipinas at Korea ay ipapakita ang kanilang husay.


Mula sa Korea, ang Kukkiwon, ang World Taekwondo Headquarters, ay magpapamalas ng kanilang husay sa Taekwondo kung saan ilalabas ang sining, disiplina, at espirito ng martial art na ito.

Mula naman sa Pilipinas, ang Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) ay magpapakita ng kanilang husay sa arnis, ang national sport ng Pilipinas, kung saan ipapamalas ang mga technique, pagkilos at pamamaraan ng sport na ito.

Magpapakitang-gilas din ang NARA, ang traditional performing team ng Korean Cultural Center at ang Philippine Baranggay Folk Dance Troupe para sa kanilang pagpapakita ng makasaysayang sayaw ng Pilipinas.

Ang aktibidad na ito ay bukas sa publiko at libre, subalit kailangang kumuha ng ticket ang mga nagnanais na manood sa link na ito: bit.ly/KicksandSticksRegistration.

(Mga larawan mula sa Korean Cultural Center)