Tatlongdaang mga bata sa tatlong barangay - Wawa, Calzada, at Upper Bicutan ang nabigyan ng kaalaman at kasiyahan sa isinagawang ika-90 National Book Week sa Lungsod ng Taguig mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 2, 2024.

News Image #1


Binasa ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kuwento na "May Sampung Langgam" sa harap ng mga bata na nagtipon-tipon sa Upper Bicutan Multipurpose Building.

Pinuri ni Cayetano ang proyekto ng City Library of Taguig na pagbabasa ng libro sa mga bata kaugnay ng tema ng selebrasyon na "Magbasa. Mangarap. Magdiwang."

News Image #2


"Naiuugnay po yung kahinaan ng performance ng mga bata doon sa kakulangan sa kahusayan sa pagbabasa at pag-intindi ng binabasa. Sana po ay ipagpatuloy natin at tulungan natin na hindi lang po sa Department of Education, sa City Government, maski sa bahay ay ugaliin po natin na maging practice po natin yung pagbabasa," ayon kay Cayetano.

Namahagi rin ang City Library of Taguig ng mga librong pambata, mga laruan at meryenda sa mga bata at magulang na dumalo sa book reading.

News Image #3


Ayon sa City Library of Taguig, nilalayon ng inisyatibo na isulong ang kahiligan sa pagbabasa, pagpapaunlad ng kakayahan ng mga batang mag-isip at makinig, at bigyang halaga ang pagku-kwento na gagamiting paraan para sa edukasyon at pagpreserba ng kultura.

(Mga larawan ng Taguig PIO)