Apat na magkakaibigang kabataan ang nahuling nagsasagawa ng ilegal na transaksyon na may kinalaman sa droga sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Barangay Tuktukan, Taguig City.

News Image #1


Isang concerned citizen ang tumawag sa Taguig City Police Substation 4 dahil napansin nito ang ilegal na ginawa ng mga kabataan sa naturang bahay.

Naaresto sina alyas Boy, 21 taong gulang; alyas Denden, 20 taong gulang; alyas Echo, 19 taong gulang; at alyas Jeff, 18 taong gulang.

Walong maliliit na plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu ang nakuha sa mga ito na nagkakahalaga ng P326, 400.

Sa Barangay Tuktukan din naaresto ang dalawang magkapatid na lalaki makaraang matagpuan sa mga ito ang may P61, 000 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Taguig City Police Substation 4 at nakuha kina alyas Aison, 34 taong gulang at alyas Alvin, 33 taong gulang ang 9 gramo ng hinihinalang shabu bukod sa mga drug paraphernalia.

News Image #2


Samantala, sang pintor ng bahay at gusali ang inaresto ng Taguig City Police sa Barangay Palingon-Tipas dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

News Image #3


Nagpalabas ng search warrant si Executive Judge Byron San Pedro ng Taguig Regional Trial Court Branch 15-Family Court laban sa 43 anyos na si alyas Vincent

Nakuha kay alyas Vincent ang 18.5 gramo ng hinihinalang shabu na ang tinatayang halaga ay nasa P125, 800, at nakalagay sa 14 na plastic sachet.

Sa ngayon ay nakadetine na sa Taguig City Jail ang mga naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Larawan mula sa Taguig City Police)