Nasa Probinsya na ng Quirino ang Super Typhoon na Pepito (international name: Man-Yi) makaraang magsagawa ng ikalawang pagbagsak sa lupa sa Dipaculao, Aurora kaninang 3:20 ng hapon, Nobyembre 17, 2024.

News Image #1


Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malakas pa rin ang taglay na hangin ng bagyong Pepito na nasa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 305 kilometro kada oras habang kumikilos patungong hilaga-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Una itong nag-landfall sa Panganiban, Catanduanes sa may Bicol Region ng bandang 9:40 ng gabi noong Nobyembre 16, Sabado.

Makaraan ang pag-landfall nito sa Aurora ngayong Linggo, ito ay tumatawid na sa hilagang bahagi ng Gitnang Luzon at sa katimugang bahagi ng Northern Luzon sa pamamagitan ng mga nasa mabundok na rehiyon ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera Central hanggang ngayong gabi.

News Image #2


Tinataya ng PAGASA na palabas na ng kalupaan ng Luzon ang bagyong Pepito ngayong gabi o bukas ng madaling araw, Nobyembre 18, 2024.

Patuloy na kikilos ang mas humina nang bagyong Pepito patungo sa kanluran hilagang kanluran at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o tanghali, Nobyembre 18.

Sa labas ng PAR, ang bagyong Pepito ay magtutungp sa kanluran o kanluran timog kanluran sa Martes, Nobyembre 19, at iimpluwensiyahan ang pagkilos nito ng paparating na bugso ng northeasterly wind. Hihina pa ito lalo habang papakilos sa West Philippine Sea.

News Image #3


Kabilang sa mga nasa Signal Number 5 ngayong Linggo ay ang:
• Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran, San Luis)
• Katimugang bahagi ng Quirino (Nagtipunan)
• Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Aritao, Bambang)

Signal Number 4 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Aurora
• Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
• Nalalabing bahagi ng Quirino
• Katimugang bahagi ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)
• Benguet
• Katimugang bahagi ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin)
• La Union
• Silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas)
• Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, San Jose City, Llanera, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo).

Signal Number 3 naman sa:
• Katimugang bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Manuel, Burgos)
• Nalalabing bahagi ng Ifugao
• Mountain Province
• Katimugang bahagi ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan)
• Katimugang bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo, Boliney, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, Bucay)
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• Nalalabing bahagi ng Pangasinan
• Hilaga at katimugang bahagi ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao)
• Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
• Hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
• Hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, General Nakar) kasama ang Polillo Islands

Signal Number 2 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Timog-kanlurang bahagi ng Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)
• Nalalabing bahagi ng Kalinga
• Katimugang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao)
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Ilocos Norte
• Zambales
• Nalalabing bahagi ng Tarlac,
• Hilagang bahagi ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Dinalupihan)
• Pampanga
• Nalalabing bahagi ng Bulacan
• Metro Manila
• Rizal
• Hilaga-silangang bahagi ng Laguna (Santa Cruz, Pila, Mabitac, Paete, Pagsanjan, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Pakil, Famy
• At ang gitnang bahagi ng Quezon (Sampaloc, Mauban, Perez, Real)

Signal Number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Nalalabing bahagi ng Bataan
• Cavite
• Nalalabing bahagi ng Laguna,
• Batangas
• Nalalabing bahagi ng Quezon
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kasama ang Lubang Islands
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, City of Calapan)
• Marinduque,
• Camarines Norte
• Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Libmanan, Tinambac, Siruma, Cabusao, Canaman, Magarao, Calabanga, Bombon, Sipocot, Ragay, Del Gallego, Lupi, Lagonoy, Goa, Garchitorena, Pasacao, Pamplona, Camaligan, Gainza)
Mataas pa rin ang panganib sa buhay ng mga taong malapit sa mga baybaying dagat ng Ilocos Region (western coast), south eastern mainland Cagayan, Isabela, Central Luzon, Metro Manila, Cavite, southeastern Batangas, at Quezon dahil sa pagtaas ng tubig-dagat at pag-alon na aabot sa 3 metro ang taas sa loob ng 48 oras.

(Mga larawan mula sa PAGASA)