Inilunsad ng Tesla Philippines ang kanilang kauna-unahang "supercharging" stations para sa mga electric vehicles nito sa bansa.

News Image #1

(Larawan ng Uptown Mall)

Ang apat na "supercharging" stations sa Uptown Mall, Bonifacio Global City, Taguig City ay isang pagtiyak ng Tesla sa kanilang hangaring mapalakas ang kanilang serbisyo sa mga electric vehicles sa bansa at mapalawak din ang kanilang charging stations sa buong Pilipinas.

Ayon sa Tesla Philippines, ang isang supercharging station na nagsasagawa ng operasyon sa pinakamalakas na 250 kilowatts (kW), ay maaaring makapag-charge ng isang sasakyan ng Tesla ng limang minuto lamang at makakatakbo na ng 120 kilometro.

Ang supercharging sa istasyon ng Tesla sa Uptown Mall ay nagkakahalaga ng P19.00 kada kilowatt hour, o ang full charging ng isang Tesla Model 3 Rear-Wheel Drive ay aabot ng P1, 140 na kayang takbuhin ang 513 kilometro.