Magiging P7,000 na ang minimum na sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila bawat buwan. Ang mga kasambahay naman sa Northern Mindanao ay makakatanggap na ng P6,000 buwanang sahod simula sa Enero ng susunod na taon.
(Larawan ng Philippine News Agency)
Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. NCR-DW-05 na ipinalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) National Capital Region kugn saan dadagdagan ng P500 ang suweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Inaprubahan din ng NWPC ang kautusan sa pagdadagdag ng P1,000 sa suweldo ng mga kasambahay sa Region X kung saan magiging P6, 000 na ang buwanang sahod ng mga ito batay sa ipinalabas na kautusan ng RTWPB Region X.
Pinayagan din ng RTWPB ang P23 na pagtataas sa minimum wage ng nasa non-agriculture sector at P35 sa nasa agriculture sector na ipapalabas ng dalawang bigayan.
Kapag naimplementa na ito, ang minimum wage sa Northern Mindanao ay magiging P446 at P461 na.
Suweldo ng Kasambahay sa Metro Manila, Magiging P7,000 na Kada Buwan Simula Enero 2025 | Taguig Balita
Language: Switch to English