Ibinabalik na ngayon ng kumpanyang GCash ang mga nawalang pera sa electronic wallet app ng kanilang mga customers.

Ayon sa pahayag ng GCash, nagkaroon ng "system error" kung saan naapektuhan ang anila ay iilan na GCash users kaninang madaling araw ng Nobyembre 9, 2024.

News Image #1

(Pahayag ng GCash)

"A few GCash users were affected due to errors in an ongoing system reconciliation process. This incident was isolated to a few users, and we assure our customers that their accounts are safe," ayon sa pahayag ng GCash kung saan ang inilagay nilang maaaring kontakin para sa dagdag na impormasyon ay ang Vice President at Head ng Corporate Communications para sa GCash, Gilda Maquilan, at ang Head ng Corporate Communications Strategy ng Gcash na si Rommin Diaz.

Sinabi rin ng GCash na natukoy na nila ang mga customer na naapektuhan ang mga accounts at kanila nang pinaliwanagan ang mga ito, at isinasauli na rin ang kanilang nawalang pera.

Una rito, ilang mga customers ng GCash, kabilang ang komedyanteng si Pokwang, ang nag-post sa social media kaugnay ng pagkagulat nila sa kanilang nawalang pera sa e-wallet gayong wala naman silang kinlick na link o nagpadala sa kanila ng OTP (one-time-password).

News Image #2

(Screenshot mula sa account ni Pokwang)

Tig-da-dalawang libong piso ang nakuha sa kanilang accounts na ipinadala sa pare-parehong dalawang numero na hindi diumano nakarehistro bilang GCash numbers.

News Image #3

(Screenshot mula sa Ell's Collection.ph)