Magtataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Setyembre 24, 2024, makaraan ang dalawang linggo ng pagbaba ng halaga ng mga ito sa mga gasolinahan sa bansa.
Sa isang maagang anunsyo ng Shell Pilipinas Corporation, Cleanfuel, Petro Gazz at Seaoil Philippines Corporation, magtataas sila ng P1. 10 sa kada litro ng gasolina bukas simula alas 6:00 ng umaga, maliba sa Cleanfuel na alas 4:01 na ng hapon ng katulad ding raw magtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang diesel naman ay tataas ng P0.20 kada litro, at ang kerosene ay walang magiging paggalaw.
Wala pang anunsyon ang ibang oil companies habang isinusulat ng balitang ito subalit posibleng katulad din ng paggalaw ng mga naunang nag-anunsyo ang magiging galaw ng presyo ng mga ito.
Sinabi ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) mula sa kanilang tanggapan sa Bonifacio Global City sa Taguig City napagtataas ng presyo ng gasolina at diesel ay dahil sa interest rate cut ng Estados Unidos, tensyon s Gitnang Silangan, ang pagmamantina sa Japan refinery at ang pagtatanggal sa subsidiya ng Malaysia sa gasolinang may octane grade na 95.
Noong isang linggo, nag-rollback ang presyo ng gasolina ng P1. 00 samantalang ang diesel ay P1.30 at ang kerosene ay P1.65 kada litro.
Umaabot na sa P4.85 kada litro ang nadagdag sa presyo ng gasolina sa taong ito, P1.75 sa diesel at bumaba naman ng P6.35 ang presyo ng kerosene sa pinaakahuling tala noong Setyembre 17, 2024.
(Mga larawan ni Dexter Terante)
Taas Presyo sa Produktong Petrolyo Simula Setyembre 24, 2024: P1.10 sa Gasolina, P0.20 sa Diesel | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: