Namigay ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng bagong Samsung Galaxy Tab S9 sa mga guro sa Early Childhood Care and Development (ECCD) sa Taguig City sa isang seremonyang isinagawa sa Kalayaan Hall, SM Aura Tower noong Setyembre 5, 2024.
Ang mga tablets na ito ang gagamitin ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante at upang makatulong din sa kanilang mga araw-araw na gawain.
Isang workshop din ang isinagawa makaraan ang distribusyon ng mga tablets, upang matutunan ng mga guro kung paano gagamitin ang kanilang bagong tablets.
Ang bawat tablet ay mayroon ding advanced security features tulad ng agad na magsasara kung mananakaw at may tracking device din para malaman kung nasaan ang tablet sakaling mawaala ito.
May kasama rin ang tablet na keyboard at digital S pen para magamit din na pang-type o pang-drawing ng guro.
Sinabi ni Mayor Lani Cayetano na napakahalaga ng pamamahagi ng tablets sa mga guro upang mas maging maayos, kumbinyente at epektibo ang pagtuturo sa mga estudyante sa modernong panahon.
"Ang genuine concern ng administration natin ay maabot ang goal natin to be a transformative, lively, and caring city. Ang ibibigay namin sa inyo ay hindi lang materyal na bagay. Kasama nito ang pag-asa na magiging mas mahusay at epektibo kayo sa pagtuturo. We want to ensure that, as educators, you have the tools to keep up with the fast-paced changes in the world, especially in the field of technology," ayon kay Cayetano.
Sinabi rin ng alkalde na mahalaga ang tungkulin ng mga guro sa hangarin na magkaroon ng mahusay na pagbabago sa siyudad ng Taguig.
"Napakahalaga ng papel ninyo sa pagtuturo ng mga kabataan. We owe it to our students and teachers alike to provide them with an environment that fosters growth and development. Kaya ang bawat tablet na ibinibigay namin ay may mas malalim na kahulugan-na kayo ay parte ng pag-abot natin sa mas magandang kinabukasan."
(Mga larawan ni Dexter Terante)
Tablets na Magiging Intrumento sa Pagtuturo, Ipinamahagi ng Pamahalaan ng Taguig sa mga Early Childhood Care and Development Teachers | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: