Nagbabagang init na naman ang mararamdaman ng Taguig City at iba pang bahagi ng Metro Manila ngayong araw na ito, Hunyo 18, makaraang itala ng PAGASA sa 44 degrees Celsius ang heat index sa araw na ito.

News Image #1

(Kuha ni Vera Victoria)

Pero biglang bababa naman ito sa 39 degrees Celsius sa Hunyo 19, 2024, bunga ng pag-ulan na dala ng southwest monsoon.

Ang Quezon City at iba pang kalapit lungsod nito ay makakaranas naman ng 43 degrees Celsius ngayong araw na ito.

Pinakamataas ang heat index o mararamdaman ng katawan na init sa Aparri, Cagayan na nasa 47 degrees Celsius. 46 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City, Cagayan.

45 degrees Celsius ang mararamdamang init sa Dagupan City, Pangasinan ar Echague, Isabela.

Bukod sa Taguig, Pasay at iba pang kalapit na lugar sa Metro Manila na makakaranas ng 44 degrees Celsius ngayon, narito ang iba pang lugar na kapareho ang heat index:

* Laoag, Ilocos Norte
* Bacnotan, La Union
* Baler, Aurora
* Subic Bay, Olongapo
* Legazpi City, Albay
* Masbate City, Masbate
* Pili, Camarines Sur

43 degrees Celsius naman sa:

* Calayan, Cagayan
* Clark, Pampanga
* Muñoz, Nueva Ecija
* Casiguran, Aurora

42 degrees Celsius naman ang heat index sa:

* Sinait, Ilocos Sur
* Batac, Ilocos Norte
* Itbayat, Batanes
* Basco, Batanes
* Bayombong, Nueva Vizcaya
* Tanauan, Batangas
* Tanay, Rizal
* Daet, Camarines Norte

Bukas, Hunyo 19, 2024, ang Aparri, Cagayan ang pinakamataas ang heat index sa 48 degrees Celsius.