Hanggang alas 5:00 na ng hapon ang operasyon ng Taguig Business One-Stop Shop (BOSS) para sa pagtanggap ng aplikasyon ng mga nagnanais na magpa-renew ng kanilang business permit simula Enero 13, 2025 hanggang Enero 20, 2025.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Maging ang mga mag-a-apply para sa business permit at magbabayad ng kanilang buwis ay tatanggapin hanggang alas 5:00 ng hapon sa mga sumusunod na tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig:

News Image #2

(Larawan ng Taguig PIO)

• 𝗦𝗠 𝗔𝘂𝗿𝗮 𝗦𝗮𝘁𝗲𝗹𝗹𝗶𝘁𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲
9th Floor, Taguig City Hall Satellite, SM Aura Tower
26th Corner McKinley Parkway, Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, City of Taguig
• 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿
New City Hall Building, Cayetano Blvd.,
Barangay Ususan, City of Taguig

Bukas na ang mga tanggapang ito simula alas 7:00 ng umaga at magtatapos ng alas 5:00 ng hapon hanggang Enero 20, 2025.

Samantala, ang online services naman sa bagong magrerehistro ng kanilang negosyo sa Taguig at pag-a-amyenda sa rehistrasyon ng mga ito ay hindi muna mapupuntahan sa panahon ng Business One-Stop Shop (BOSS) dahil kailangang bigyan ng panahon muna ang renewal ng business permit sa panahong ito.

News Image #3

(Larawan ng Taguig PIO)

Babalik ang online services sa business registration sa Enero 21, 2025.

Ang renewal naman ng business permit online ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng eBLPS. Narito ang pamamaraan:

Magpunta sa website na https://eservices.taguig.gov.ph/ at mag-log-in sa inyong account.
Magtungo sa Business Permit Portal at piliin ang negosyong nais i-renew.
Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon at saka isumite.
Hintayin ang notice of assessment at saka bayaran ang kinakailangang bayaran sa pamamagitan ng Landbank at UPay ng Unionbank.
Kapag nakumpleto na ang pagbabayad, at binigyan ng notipikasyon, i-download na ang business permit.