Nakipagkasundo ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa Healthway Cancer Care Hospital upang magbigay ng pangkabuuang pangangalaga sa mga mahihirap na may kanser.

News Image #1


Ang Healthway Cancer Care Hospital na nasa Arca South, Barangay Western Bicutan, Taguig City, ay magbibigay ng iba't ibang uri ng serbisyo at panggagamot laban sa kanser para sa mga mahihirap na pasyente sa Taguig.

News Image #2


Kabilang dito ang mga laboratory tests, radiology, nuclear medicine, at outpatient nursing services na bibigyan ng diskwento basta't may referral letter mula sa pamahalaang lungsod ng Taguig.

Pinasalamatan at pinuri ng pangulo at CEO ng AC Health Paolo Borromeo ang suporta ng pamahalaang lungsod ng Taguig at and dedikasyon ni Mayor Lani Cayetanosa proyektong ito na mapapakinabangan ng mga Taguigeños.

"Your dedication to improving healthcare access for your constituents resonates deeply with our mission at AC Health. So even outside of this agreement, we have already seen the tireless efforts and passion that your team brings for healthcare and it's inspiring to witness the positive changes you continue to champion for the city," ayon kay Borromeo

Binuksan ng kauna-unahang cancer hospital sa bansa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

"This will grant us access to the latest medical technologies and specialized expertise right here in our community. Ang mga tao hindi na lalayo pa dahil nandito na sa aming lungsod. Malapit sa aming mga kababayan ang access sa quality health services. All of these add up to better outcomes for patients and a higher quality of life for everyone in our City," ayon kay Cayetano.

Nagbabalak din ang Taguig City Government at ang Healthway na magsagawa ng gommunity education at cancer screening peogram upang maaga pa lang ay matukoy na at magamot ang may kanser.