Magsasagawa na ng groundbreaking ceremony (seremonya na naghuhudyat ng pagsisimula ng konstruksyon) para sa Taguig City Integrated Terminal Exchange (TCITX) ngayong Disyembre 2024.
(Larawan mula sa DOTr)
Ang proyektong ito ay ibinigay ng Pamahalaang Duterte sa Ayala Land, Incorporated (ALI) sa ilalim ng Public Private Partnership (PPP).
"Most probably, we will do a ground breaking within December. We will have to work with the concessionaire (Ayala Land) on the date. It has been awarded to them even before us, previous government pa 'yan. I just want it to be implemented. Most probably mas malaki ng konti (kaysa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX), and it will be called TCITX (Taguig City Integrated Terminal Exchange)," ayon kay Secretary Jaime Bautista, pinuno ng Department of Transportation.
Ang TCITX ay magkakaroon ng centralized ticketing area para sa mga pampasaherong bus at malaking lugar para sa mga pasahero. May ilalagay ring lakaran ng mga tao patungo naman sa FTI station ng Philippine National Railway at ng ipinapanukalang Metro Manila subway system.
Kabilang sa makikinabang sa TCITX ay ang mga pasaherong patungo sa Batangas at Laguna at sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila. Magkakaroon din ng koneksyon sa mga terminal na patungong Visayas at Mindanao.
Katulad ito ng PITX na nagkokonekta naman ng mga pampasaherong bus na patungo sa katimugan at hilaga.
Taguig City Integrated Terminal Exchange, Magsasagawa na ng Seremonya sa Pagsisimula ng Konstruksyon Ngayong Disyembre | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: