Isa ang Taguig City sa limang lungsod sa National Capital Region (NCR) na napili ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) bilang Top 5 Nominees para sa igagawad na karangalan bilang 2024 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) na isasagawa sa 50th Business Conference ng PCCI sa Oktubre 23, 2024.
(Larawan mula sa FB Page: Lani Cayetano)
Sa isinagawang pinal na paghuhukom noong Setyembre 23, 25 at 27, 2024 sa PICC office, kinapanayam ng Board of Judges si Taguig City Mayor Lani Cayetano upang malaman ang mga naging tagumpay ng lungsod sa larangan ng maayos na pamamahala, mga reporma sa kalakalan at pamumuhunan, transparency, accountability at pagiging episyente sa paghahatid ng serbisyong pangnegosyo at pagsusulong ng tuloy-tuloy na kaunlaran para sa mga nagnenegosyo sa Taguig at ang pagpapabilis ng pag-unlad sa lokal na ekonomiya.
(Larawan mula sa Facebook Page: PCCI Most Business Friendly LGU Awards)
Bukod sa Taguig City, kabilang din sa short-listed na Top 5 nominees bilang Most Business Friendly LGU sa Metro Manila ang:
1. Marikina City sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro
2. Navotas City sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco
3. Pasig City sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto
4. Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte
Iaanunsyo ang pinal na resulta sa Oktubre 11, 2024 at ang awarding naman ay sa Oktubre 23, 2024.
Sa awarding ngayong taong ito, nais ng PCCI na bigyang pansin ang mga pagbabago ng mga LGU, mga kuwento ng tagumpay, mahuhusay na pamamaraan para umunlad ang mga negosyo at magpatuloy na kapartner ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
"We are humbled to be nominated alongside long-established cities like Quezon City, Navotas, Pasig, and Marikina. This is a testament to our unwavering commitment to fostering an environment where businesses can thrive and grow, with the ultimate goal of turning this progress into meaningful opportunities and development for the people of Taguig," ang pahayag ni Cayetano sa post nito sa kanyang Facebook Page na Lani Cayetano.
"Isang malaking pasasalamat po sa lahat ng bumubuo ng ating business cluster who joined me in the panel: Admin Atty. Jose Luis Montales, BPLO Chief Atty. Maria Theresa Veloso, City Treasurer Atty. J. Voltaire Enriquez; and representing our social services, Executive Assistant for Health Dr. Cecille Montales," dagdag pa nito.
Taguig City, Isa sa 5 Lungsod sa Metro Manila na Nominado sa PCCI Award for Most Business-Friendly LGU | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: