Pumanglima si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa third-quarter survey kaugnay ng kahusayan ng pamumuno ng mga alkalde ng mga siyudad sa National Capital Region (NCR) na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Incorporated (RPMD) noong Setyembre 20 hanggang 30, 2023.
Nakuha ni Cayetano ang score na 85.5%. Kasama niya sa panglimang posisyon si Marikina Mayor Marcy Teodoro na may 85.8%.
Sinabi ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD na pito ang pangunahing batayan para sa pagpili ng mga top mayors ng Metro Manila: pagbibigay ng serbisyo, kahusayan sa pananalapi, progresong pang-ekonomiya, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran, mga inisyatibo para sa mga mamamayan at pakikipag-ugnayan sa mga nasasakupan.
Pinapurihan ni Martinez ang mga alkalde ng NCR sa kanilang kahusayan sa pamumuno at pagsisilbi sa kanilang mga komunidad.
Ang survey ng "Top Performing NCR Mayors" ay bahagi ng Boses ng Bayan poll ng RPMD kung saan ang confidence level ng pages-survey at nasa 95% at ang margin od error ay ±1%.
Nanguna naman sa survey si Quezon City Mayor Joy Belmonte at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, pumangalawa naman sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Caloocan City Mayor Along Malapitan, Parañaque Mayor Eric Olivarez at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Nasa pangatlong posisyon naman sa survey sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Manila Mayor Honey Lacuna at Makati Mayor Abby Binay.
Ikaapat namang posisyon ang hinawakan nina Mandaluyong Mayor Ben Abalos, Sr., Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, at Valenzuela Mayor Wes Gatchalian.
Ang ika-anim na posisyon ay nakuha nina San Juan City Mayor Francis Zamora, pangpito si Pateros Mayor Ike Ponce III at pangwalo si Las Piñas Mayor Imelda Aguilar.
(Photos by Taguig PIO and RPMD)
Taguig City Mayor Lani Cayetano, Kasama sa Top Performing NCR Mayors | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: