Nasa pang-anim na puwesto ang alkalde ng Taguig City sa pinakahuling "Boses ng Bayan" survey sa ipinakitang husay sa panunungkulan ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan.

Batay sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) noong Disyembre 27, 2023 hanggang Enero 5, 2024 sa may 10, 000 tumugon, nakakuha si Taguig Mayor Lani Cayetano ng 84.6% na approval rating na nagdala sa kanya sa pang-anim na puwesto sa Top 10 Mayors.

Kasama ni Cayetano sa pang-anim na puwesto si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.

News Image #1

(Larawan mula sa RPMD)

Ang "Boses ng Bayan" Annual Report 2023 ay tiningnan hindi lamang ang kapabilidad ng isang alkalde na mamahala kung hindi maging ang maagap na pagtugon nito sa mga pangangailangan ng komunidad at walang humpay na pagsusulong sa pagpapaunlad ng kanilang lugar.

News Image #2

(larawan mula sa Taguig PIO)


"This survey, representative of the 67.75 million registered voters in the country, utilized a random selection process to ensure a diverse and proportionate representation of each city, aligning with official voter population statistics. The survey's findings are characterized by a margin of error of +/-1% and are reliable at a 95% confidence level, reflecting a robust and comprehensive analysis of the national sentiment," ayon sa RPMD.

"Derived from a carefully collated and analyzed array of public opinions, this report offers a transparent, detailed examination of the successes and areas for development in mayoral leadership, underlining the impact these leaders have on improving the quality of life in their communities," dagdag pa nito.

Nanguna naman sa listahan ang 5 pinuno ng lokal na pamahalaan sa National Capital Region na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte na may 91.2% approval rating, Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon City na nasa 90.5%, Navotas Mayor John Rey Tiangco - 90.3%, Mayor Along Malapitan ng Caloocan City - 90.2%, at Mayor Eric Olivarez ng Parañaque City - 90%.