Nadominahan ng Taguig City ang ikatlong Department of Social Welfare and Development - National Capital Region Parangal Para sa Pusong Magiting.

News Image #1


Nakuha ng DSWD-Taguig ang walo sa sampung awards sa seremonyang isinagawa sa Crown Legacy Hotel sa Baguio City noong Nobyembre 17, 2023.

Sa temang "Para sa Matatag na Kinabukasan, Tayo ang Solusyon! #NCRLAGINGHANDA," ang Taguig ang namayani sa mga kategoryang nagpakita ng kagalingan sa social services at mga inisyatiba sa pagresponde sa mga sakuna.

News Image #2


Nagwagi ng unang gantimpala bilang Most Exemplary in Yearly Accomplishments (Climate Change Adaptation and Mitigation Category) ang DSWD-Taguig.

Nakuha rin nito ang unang gantimpala sa kategoryang Most Exemplary in Public Speaking.

Ikalawang puwesto naman ito sa Most Exemplary in Advocacy Campaign, Photo story, Most Exemplary in Exhibit, at Most Exemplary in Disaster Response Operations Reporting.

News Image #3


Ikatlong puwesto naman ang nakuha nito sa One-Practice Narrative at Most Exemplary in Short-video Presentation.

Tinanggap nina Lyzza Estacio at Almer Abordonado ng City Social Welfare and Development, Maria Kristina M. Jacinto mula sa Incident Management team ng City Disaster Risk Reduction Management Office, Alaine Keith M. De Leon ng Taguig Open Weather and Environmental Reporting System, at Diana Marie Nobio ng Taguig Public Information Office ang mga naturang pagkilala.

[File photos from Mayor Lani Cayetano FB Page)