Pangatlo ang Taguig City sa pinarangalan bilang isa sa top 10 local government units ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) para sa fiscal years na 2022 at 2023 pagdating sa mga kinikita nito sa loob ng siyudad o local source revenues (LSR).

News Image #1


Ibinase ang pagranggo sa mga siyudad sa LSR sa nominal terms, ratio ng LSR sa kabuuang kasalukuyang operating income, ang bawat taong paglago ng LSR at kabuuang gastusin sa operasyon.


Ang LSR, ayon sa BLGF, ay kinabibilangan ng mga kita sa buwis tulad ng real property tax, business tax, at iba pang sinisingil na buwis; at ang kitang hindi mula sa buwis tulad ng regulatory fees, service o user charges, resibo mula sa economic enterprise at iba pang resibo.

News Image #2


Ang Taguig ay nakabilang sa top 10 cities sa Pilipinas base sa LSR noong 2022 dahil sa kinita nitong P12.22 bilyon. Narito ang buong listahan:
1. Quezon City - P21.07 billion
2. Makati - P15.36 billion
3. Taguig - P12.22 billion
4. Pasig - P11.51 billion
5. Manila - P11.39 billion
6. Paranaque - P6.73 billion
7. Davao City - P6 billion
8. Pasay - P5.99 billion
9. Mandaluyong - P4.8 billion
10. Muntinlupa - P4.09 billion

Sa taong 2023, pangatlo na naman ang Taguig sa top 10 cities sa bansa base sa LSR makaraang makapagtala ng kitang P13.54 bilyon. Narito ang kabuuang listahan:
1. Quezon City - P27.4 billion
2. Makati - P19.35 billion
3. Taguig - P13.54 billion
4. Pasig - P13.13 billion
5. Manila - P12.42 billion
6. Paranaque - P7.9 billion
7. Pasay - P7.34 billion
8. Davao City - P6.67 billion
9. Mandaluyong - P5.75 billion
10. Cebu City - P4.69 billion