Ang Taguig City ang pangatlo sa maituturing na malinis pa ang hangin, o katamtaman ang polusyon, sa pitong lungsod sa Metro Manila na binabantayan ang air quality ng IQAir.
Sa pinakahuling tala kaninang alas 3:00 ng hapon, ang Taguig ay may 97 air quality index (AQI) o katamtaman lang ang polusyon sa hangin.
Ang Parañaque City naman ang may pinakamalinis na hangin sa ngayon sa naitala ritong 22 AQI.
Ang Pasig City ang may pinakamataas na polusyon sa hangin sa naitalang 220 AQI.
Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga lungsod batay sa may pinakamalinis na hangin:
1. Parañaque - 22 AQI
2. Marikina - 90 AQI
3. Taguig - 97 AQI
4. Las Piñas - 117 AQI
5. Makati - 162 AQI
6. Manila - 166 AQI
7. Pasig - 220 AQI
Taun-taon, 7 milyon katao ang nasasawi dahil sa polusyon sa hangin sa buong mundo, ayon sa IQAir.
Ang IQAir ay nagbibigay ng libreng real-time air quality monitoring platform upang mabigyan ang mga indibidwal, mananaliksik at gobyerno ng pamamaraan upang masubaybayan at maunawaan ang epekto ng polusyon sa kapaligiran.
(Mga sceeenshots mula sa IQ Air website)
Taguig City, Pangatlo sa Pitong Lungsod sa Metro Manila na Katamtaman ang Polusyon sa Hangin | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: