Nakamit ng Taguig City Peace and Order Council (TCPOC) ang napakahusay na overall score na 92.47% na mayroong adjectival rating na Highly Functional batay sa isinagawang Local Peace and Order audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

News Image #1


Ang mga bago at mahusay na mga pamamaraan ng pagpapatupad ng peace and order programs ng pamahalaang lunsod ng Taguig ang dahilan kung bakit nakamit nito ang mataas na mark, ayon sa DILG Regional Audit Team.

Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na ang napakahusay na rating na ito ay pagpapatunay lamang ng patuloy na pag-iimplementa ng kanilang mga makabagong pamamaraan sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan upang matiyak naman ang kaligtasan ng lahat ng mga residente nito.

News Image #2


Ginawaran ng DILG ang Taguig ng award sa isang seremonya. Bukod dito ay binigyan din sila ng detalyadong kopya ng assessment results.

Ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay may matibay na relasyon sa Taguig City Police at sa mga barangay officials para sa pagtutulungan na matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa siyudad.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, isinagawa ang joint meeting ng Peace and Order Council at Taguig Anti-Drug Abuse Council, sa pangunguna ni Council Chairwoman Mayor Lani Cayetano, sa Kalayaan Hall, Taguig City Satellite Office, upang talakayin ang mga programa kaugnay ng peace and order para sa katiwasayan ng mga Taguigueño.

News Image #3


Tinalakay ang mga hakbangin ng lungsod sa pagpapatibay ng seguridad at pagkakaroon ng mas komprehensibong programa laban sa kriminalidad.

(Photos by Taguig PIO)