Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig bilang Most Improved Local Government Unit (LGU) ng Commission on Population and Development (CPD) dahil sa mga isinagawa nitong mga istatehiya upang isulong ang kampanya sa population and development o POPDEV.

News Image #1


Ang pagkilala, sa pamamagitan ng Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award, ay isinagawa sa Riverview Resort sa Calamba City, Laguna noong Nobyembre 14, 2024.

Binigyan ng pagkilala ang dedikasyon ng Taguig sa 2024 Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA), na nakatuon ang pansin sa mga istratehiya ng pagpapaunlad ng ekonomiya at lipunan sa gitna ng lumalaking populasyon.

Samantala, binigyan din ng pagkilala ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Taguig City sa 2024 GSIS Seal of Protection Awards, "Pagpupugay Sa Mga Kaagapay Ng GSIS" na isinagawa sa GSIS Gymnasium, GSIS Head Office, Pasay City noong Nobyembre 28, 2024.

News Image #2


Nakamit ng Taguig ang Bronze Seal of Protection award na nagbibigay ng parangal sa mga local government units na binibigyang prayoridad ang pagprotekta sa kanilang mga assets mula sa mga hindi inaasahang panganib, sa pamamagitan ng pag-i-insure ng kanilang ari-arian sa GSIS.

Tinanggap nina Jeanette Clemente, pinuno ng Human Resource Management Office at Elmer Pagsisihan, pinuno ng General Services Office, ang naturang award at plaque of appreciation sa naturang kaganapan.

(Mga larawan mula sa Taguig City PIO)