Labingwalong taon na ang Taguig City University at ipinagdiwang ang pagkakatatag niyo sa TLC Park Concert Grounds noong Disyembre 14, 2024.

News Image #1


Dinaluhan ito ng mga estudyante, guro, staff ng unibersidad at ng mga pinuno ng Taguig City.

Binigyan ng parangal ang mga estudyante ng TCU na nagwagi sa mga patimpalak sa academics, cultural, arts at sports na naganap noong Disyembre 2 hanggang 14, 2024.

News Image #2


Nagpakitang gilas din ang mga estudyante sa kanilang mga larangan - sa cheerdance, pag-awit at iba pa.

News Image #3


"Sa pamumuno po ni Mayor Lani Cayetano at sa ating misyong maging Transformative, Lively, and Caring City, patuloy po ninyong asahan ang suporta namin, lalo na sa sektor ng edukasyon," ayon kay Taguig-Pateros Congressman Ricardo Cruz na panauhing pandangal sa okasyon.

News Image #4


Sinabi naman ng Dean ng College of Criminal Justice, Dr. Renel Cruz, na malaking bagay ang ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig para sa edukasyon ng mga kabataan.

"With the unending support of the TCU administration led by the acting president, Dr. Desiree B. Guiraldo, and the city government of Taguig under the good leadership of Mayor Lani Cayetano, it enables us to inspire our students and employees to participate in the different programs and events. It is also a manifestation that the city government of Taguig is able to produce professionals who are dynamic, competitive, role models, and advocates of Filipino core values."

Ang TCU ay naitatag noong taong 2006 at simula noon ag nagbibigay ng kalidad at libreng edukasyon sa Taguig City.