Nagwagi ang Taguig City ng Galing Pook Award para sa programa nito laban sa kanser sa dibdib na tinawag na Ating Dibdibin.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig PIO)

Ang paggawad ng pagkilala sa Taguig City ay isinagawa sa Samsung Hall sa SM Aura Premier sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Oktubre 24, 2024.

Sa 147 programang inilahok ng 111 lokal na pamahalaan, ang Taguig ay napiling isa sa 18 finalists at kalaunan ay nagwagi kasama ang 9 na iba pang nanalo ng Galing Pook Award 2024.

Ang "Ating Dibdibin" ay isang proyekto ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa pakikipagtulungan ng ICanServe Foundation na matagal nang isinasagawa.

Magkatuwang ang pamahalaang lungsod at ang pribadong foundation upang matingnan ng maaga ang mga kababaihan sa Taguig at magamot kung mayroong kanser sa dibdib.

Mayrong mga lokal na ordinansa kaugnay ng breast cancer program at sinusundad din ang mga pasyente (patient navigation system) upang masubaybayan ang kanilang pagpapatingin at pagpapagamot, na siyang naging modelo naman ng iba pang mga lokal na pamahalaan.

Ang mga barangay health workers na sumailalim sa pagsasanay ang mga patient navigators at tumitiyak na ang mga pasyente sa Taguig na may breast cancer ay nakakakuha ng libreng diagnostic services, paggamot at suportang psycho-social.

"We believe every breast cancer patient deserves a second chance at life. Every home deserves a happy, healthy mother, sister, or daughter. We continue to intensify our efforts to keep families together. Ating Dibdibin ang laban sa breast cancer," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa isinagawang presentasyon sa mga hurado sa Galing Pook 2024 noong Oktubre 23, 2024.

Kabilang sa mga naging tagumpay ng Ating Dibdibin program ng Taguig City ay ang pagtaas ng breast cancer screening rate sa Taguig ng 8.48% o apat na beses na mataas kaysa sa average rate sa buong bansa na 2.3%.

Nabawasan din ang pagkamatay sa breast cancer ng mga kababaihan sa Taguig ng 17%, dahil sa maagang deteksyon, suporta ng komunidad at bunga ng maayos na healthcare services sa lungsod.

"The City of Taguig remains committed to providing the best. We will soon open a bigger breast cancer center to accommodate more patients. We will upgrade equipment, continue to provide quality cancer care, and provide a more holistic survivorship and supportive care for patients," ang paniniyak ni Cayetano.

Narito ang iba pang LGUs at ang kanilang mga programang nagwagi sa Galing Pook Awards 2024:

News Image #2

(Larawan mula sa Galing Pook Facebook Page)

Ang Galing Pook Award ay isang pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na may mga programang nagbibigay ng positibong epekto sa mga komunidad. Ito ay isang programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), DILG Local Government Academy (LGA), Ford Foundation, mga institusyong pang-akademya, at mga nagsusulong ng kahusayan sa pamamahala.