Bumubuo ng medical team ang bagong Taguig General Hospital na nasa C6 Road, Barangay Hagonoy, Taguig City.

News Image #1


Nangangailangan ang pagamutan ng magta-trabaho ng full time bilang Medical Technologist at Radiologic Technologist para sa Outpatient Department nito.

News Image #2


Ayon sa Facebook post ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, ang trabaho ay tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon o alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Sa mga interesadong mag-apply, kailangang magsumite ng pinakahuling curriculum vitae o resume sa email na:
[email protected] na kung saan ang ilalagay sa subject ay: NAME_POSITION APPLIED FOR (halimbawa: JUAN DELA CRUZ_MEDICALTECHNOLOGIST).

Inaanyayahan ang mga kwalipikado sa mga naturang posisyon na maging bahagi ng misyon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na bumuo ng isang Transformative, Lively, at Caring Probinsyudad.

(Mga larawan mula sa Taguig City Government)