Nangangailangan ang Taguig General Hospital, ang ikalawang pagamutan na pagmamay-ari ng Taguig City Government, ng mga doktor na magta-trabaho ng full-time sa ospital.
(Larawan ng Taguig PIO)
Kabilang sa mga bukas na posisyon para sa kanilang Outpatient Department ay ang mga sumusunod:
• Pediatrician
• OB-Gynecologist
• General Surgeon
• Internist (Internal Medicine)
Ang mga naturang kinakailangang doktor ay magta-trabaho ng Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon o alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa Taguig General Hospital sa C6 Road, Barangay Hagonoy, Taguig City.
Sa kasalukuyan ay tinatapos na ang konstruksyon ng pagamutan, batay sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa website nito.
(Larawan ng DPWH)
Ang mga aplikanteng doktor ay kailangang magsumite ng kanilang pinakahuling curriculum vitae o resume sa [email protected] na mayroong subject na: NAME_POSITION APPLIED FOR (halimbawa: JUAN DELA CRUZ_PEDIATRICIAN).
Ang isa pang pagamutang pagmamay-ari ng Taguig City Government ay ang Taguig-Pateros District Hospital sa East Service Road, Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Taguig General Hospital, Nangangailangan ng mga Doktor | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: