Limang beses na nag-kampeon ang Taguig Generals Softball Team sa iba't ibang paligsahan sa taong ito ng 2023.
Sa kanilang ipinakitang galing at determinasyon, nakuha nila ang championship title sa prestihiyosong Open Invitational Slopitch Tournament na isinagawa sa University of the Philippines Los Baños, Laguna.
Sa pinal na iskor na 11 - 7, napatumba ng Taguig Generals ang kanilang kalaban na Entom Tigers na kilala sa ilang beses na ring pagkamit ng kampeonato.
Nakuha ni Arvin Santos ang titulong Most Valuable Player (MVP).
Doble ang pagkakawagi naman ng Taguig Generals Softball Team sa Pureplay Sports Philippine Slopitch Softball League makaraang makuha ang pagiging champion sa kabuuan ng Philippine Slopitch Softball League Super Division at Philippine Slopitch Softball League Club Division.
Kampeon din ang Taguig Generals Softball Team sa Manila Slowpitch Softball League Club Division at sa Dasmariñas Slopitch Softball Tournament.
Ipinaabot naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kanyang pagbati sa Taguig Generals Softball Team.
"This victory not only brings pride to the city but also serves as an inspiration to aspiring athletes, highlighting the power of teamwork, dedication, and unwavering spirit in the pursuit of excellence. Congratulations to the champions," ang ipinaabot na pahayag ni Cayetano.
(Photos by Taguig Generals Softball Team)
Taguig Generals Softball Team, Limang Beses Nag-Kampeon sa 2023 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: