Handa ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa anumang kalamidad at aksidente sa pamamagitan ng itinayo nitong gusali ng Center for Disaster Management sa Barangay Central Signal.

Labingpitong indibidwal din mula sa iba't ibang barangay, mga pribadong ahensiya, empleyado, eskwelahan at korporasyon sa Taguig City ang sinanay ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng first aid simula pa noong Enero.

Ang limang palapag na bagong gusali ay magsisilbi rin bilang evacuation center.

News Image #1


Mayroon itong mga kagamitan na makakatulong sa agarang pagresponde sa panahon ng delubyo at emergency.

Ang mga tauhan ng Taguig City government na mangangailangan ng dagdag na kaalaman sa pagliligtas ng mga biktima ng sakuna at iba pa ay doon magpapakadalubhasa sa Center for Disaster Management na may pasilidad na state-of-the-art.

News Image #2


Ang nagbibigay naman ng update kaugnay ng lagay ng panahon na tinatawag na TOWER o Taguig Open Weather & Environmental Reporting System, ay nandoon din sa gusali ng Center.

Mayroon ding laruan ng basketball, volleyball, badminton at iba pang indoor sports ang Center sa ika-limang palapag nito.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)