Kinilala ang natatanging trabaho ng Taguig City sa pagpapalaganap at implementasyon ng mga programang pangnutrisyon sa 2023 Regional Nutrition Awarding Ceremony held at The Heritage Hotel, Pasay City kamakailan.

News Image #1


Sa limang nutrition honor awardees sa National Capital Region (NCR), tanging ang Taguig ang napanatili ang mataas na standard sa programa at serbisyong pang-nutrisyon.

Natanggap ng Taguig City ang prestihiyosong Plaque of Recognition dahil sa mahusay na pamamahala sa nutrition programs nito na nakalinya sa 2022 nutrition standards.

Nakakuha rin ang Taguig City ng Taguig isa pang sertipikasyon ng pagkilala dahil ito ang itinanghal na pinakamahusay na Local Government Unit (LGU) sa implementasyon ng Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM) Program. Ito ay bunga ng pagpupursige ng Taguig na masolusyunan ang malnutrition sa siyudad.

Kabilang dito ang serbisyo ng Taguig sa may malala at mefyo malalang uri ng malnutrisyon sa kanilang siyudad, kung saan isang referral system ang itinatag na makakatulong para ang may malalang nutrisyon ay magamot sa Taguig-Pateros District Hospital. Tuloy tuloy rin ang rehabilitasyon ng mga batang malnourished sa health centers ng siyudad makaraan ang pagpapaospital.

Nakatanggap din si Mayor Lani Cayetano, na chairman ng Taguig City Nutrition Committee, ng Certificate of Appreciation para sa aktibong partisipasyon ng kanyang komite na dahilan para makuha ang kahanga-hangang iskor sa 2023 Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI).

News Image #2


Kinilala rin si Joann Espiritu, isang registered nutritionist at dietitian at City Nutrition Program Coordinator at Presidente ng City/District Nutrition Program Coordinators of Metro Manila Association Incorporated, Julita Bernabe na siyang City Nutrition Action Officer at Gina Reyes, Barangay Nutrition Scholar.

Kabilang sa katangi-tanging nutrition programs ng Taguig ang Barangay Weekly Breastmilk Letting at ang Dietary Supplementation Program para sa mga buntis na may panganib na hindi makuha ang tamang nutrisyon, at gayundin ang mga nagpapadedeng ina.

Pinagtutuunan din ng pansin ng Taguig ang pagbibigay ng mataas sa nutrisyon na mga pagkain para sa mga sanggol na anim hanggang dalawampu't tatlong buwan hanggang sa mga batang edad dalawampu't apat hanggang limampu't siyan na buwan.

Nagsagawa rin ang Taguig ng mga seminar kaugnay ng urban gardening para makapagtanim ng gulay ang mga magulang at maihain sa kanilang mga anak.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)