Nagsama-sama ang mga lady riders sa Taguig City sa isinagawang seminar kaugnay ng mga pamamaraan upang manatiling ligtas sa daan at karapatan ng mga kababaihan sa Lakeshore Tent Hall, C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Disyembre 6, 2024 ng umaga.
Dumalo si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naturang seminar kung saan ipinaalala ng alkalde ang ligtas at disiplinadong pagmamaneho at ang proteksyon at karapatan ng mga ito bilang mga kababaihan.
"Layunin po nitong i-empower ang mga kababaihang motorcycle riders sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan at pagsasanay sa mga praktikal na kasanayan para sa kanilang pang-araw-araw na pagbiyahe," ayon kay Cayetano sa post nito sa kanyang Facebook Page.
Pinangunahan ng Gender and Development Office ng Taguig City ang naturang seminar na tumalakay sa napapanahong paksa na may temang "Ride with Purpose: Road Safety Guidelines and Anti-Violence Against Women and their Children."
Kabilang sa mga resource speakers na nagbahagi ng road safety guidelines ay sina TOO1 Miguel E. Panal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Atty. Bill Mar D. Zinampan (CELO) na tinalakay naman ang batas sa Anti-Violence Against Women and their Children.
(Mga larawan mula sa Fscebook Page ni Taguig Mayor Lani Cayetano)
Taguig Lady Riders, Nagsama-sama Upang Talakayin ang Ligtas na Pagba-Biyahe at ang Kanilang Proteksyon at Karapatan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: