Libreng konsultasyong medikal, gamot, bunot ng ngipin, at diagnostic tests ang isasagawa sa Barangay Bagumbayan at South Signal ngayong linggong ito sa pamamagitan ng Taguig Love Caravan.
Ayon sa Taguig Medical Assistance Office, magtutungo ang Taguig Love Caravan sa Barangay Bagumbayan sa Setyembre 19 at sa South Signal naman sa Setyembre 21, 2023 sa ganap na alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Mamahagi rin ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng libreng hearing aid sa mga Taguigueñong nangangailangan nito basta'r may medical certificate na nagsasaad na sila ay wala nang pandinig at kailangang mabigyan ng hearing aid.
Mayroon ding nutrition seminar at mga pagtuturo ng mga produktong pangkabuhayan.
Ang mga kailangang pa-X-ray, magpalaboratoryo at ECG ay kailangan munang magpatingin sa doktor ng Taguig Love Caravan bago makakuha ng mga serbisyong ito.
Ang mga magpapatingin at magpapagamot sa Taguig Love Caravan ay kailangang 18 taong gulang pataas, bakunado ng anti-Covid 19 vaccine at dala ang kanilang vaccination card.
Kapag naman menor de edad, kailangang kasama ang mga magulang o tagapagbantay na bakunado at may dalang vaccination card.
Magparehistro ganap na alas 7:00 ng umaga, at ang gamutan at konsultasyon naman ay mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
(Photos by Taguig PIO)
Taguig Love Caravan sa Bagumbayan at South Signal | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: