Ang Taguig Love Caravan ay magtutungo sa Barangay Pitogo sa Enero 11, 2025, Sabado, mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
May mga doktor, dentista at iba pang healthcare workers bukod sa mga nutritionists at social workers na makokonsulta at magbibigay ng karampatang tulong sa mga pasyente.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ng Taguig Love Caravan ay:
1. Medical Consultation
2. Dental Services
• Dental Check Up
• Tooth Extraction
• Fluoride Application (edad 1-10)
3. Diagnostic Van
• X-ray
• ECG
• Ultrasound
Upper Abdomen
Lower Abdomen
Whole Abdomen (WAB)
Hepatobiliary Tree (HBT)
Kidneys, Urinary Bladder (KUB)
Kidneys, Urinary Bladder Prostate (KUBP)
Bio-Physical Scoring (BPS) (tuwing
Pelvic Ultrasound (Pregnant, 4-7 months)
Pelvic Ultrasound (Non-Pregnant)
4. Laboratory
• Complete Blood Count (CBC)
• Platelet Count
• Random Blood Sugar (RBS)
• Blood Typing
• Urinalysis
5. Nutrition Services
Cooking Demo sa mga murang recipe at pagtuturo kaugnay ng Pinggang Pinoy na limitado sa 50 kalahok, prayoridad ang mga buntis o nagpapadedeng ina at mga magulang na may nga anak na malnourished o posibleng kulang sa nutrisyon.
6. Agriculture
Pamamahagi ng mga sariwang prutas at gulay na inani mula sa Taguig Urban Garden
7. PhilHealth Registration para sa senior citizens, PWDs, at buntis.
8. Iba pang Serbisyo
• libreng gamot
• libreng hearing aid
• pagtatanong sa birthday cash gift para sa seniors
Ipinapaalala ng Taguig City Health Office na walang maintenance medications sa Taguig Love Caravan. Ito ay ihahatid sa kabahayan ng mga pasyenteng Taguigeño o sa mga health centers.
Kung hindi pa nakalista sa house-to-house distribution, maaaring makipagugnayan sa mga representante ng TCISS na nasa Taguig Love Caravan.
Taguig Love Caravan, Nasa Barangay Pitogo sa Enero 11, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: