Opisyal na binuksan ito ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na nagbigay ng kanyang pahayag sa mga unang nakapasok sa opening day nito kahapon, Pebrero 10.
(Video ng paanyaya ni Taguig Mayor Lani Cayetano mula sa Taguig PIO)
Hinarana rin ang mga nagtungo sa Love at the Park ng mga Original Pilipino Music (OPM) artists na sina Davey Langit, Juris at SUD.
Gabi-gabi ay may palabas sa Love at the Park kung saan pangungunahan ng mahuhusay na OPM artists. Ngayong gabi, Pebrero 11 ay ang Back to the 80s ang tema kasama si Ms/Mr Sara. Sa Pebrero 12 naman, ang tema ay "Blast from the Past" kasama ang Bellisima. Sa Pebrero 13 ay magkakaroon ng pagpapalabas ng romantikong pelikula.
(Art card by Taguig PIO)
Sa Pebrero 14 ay magsasagawa ng Valentine's Day concert ang mga sikat na OPM artists na sina Nina, Freestyle at Davey Langit.
Sa Pebrero 15, ang mga mahuhusay sa stringed instruments ang tutugtog para sa mga mamamasyal sa Love at the Park ng Taguig. Isang musical performance naman ang ihahatid nina Jillian Ita-as at MC Dela Cruz sa Pebrero 16.
Magkakaroon ng poetry slam at dance challenge naman sa Pebrero 17 na katatampukan ng Six or Seven, nina Toni Panagu, Gab Brioso, Taguig City Dance Crew, at Kinetic Dancers.
Sa huling araw sa Love at the Park sa Pebrero 18, magkakaroon ng pagtatanghal ang Early Seven at Whirlpool Street bands.
Libre ang pagpasok sa Love at the Park at bukas ito tuwing Linggo hanggang Huwebes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi, at tuwing Biyernes at Sabado, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi.
Mayroon ding mga display na puwedeng kuhanan ng litrato at i-post sa social media.