Ngayong buwan ng mga puso, may papasyalan ang mga Taguigeño couples, at kahit ang mga nagsosolo sa buhay, na maganda at libreng parke.
(File photo mula sa Taguig Love at the Park noong isang taon)
Mula Pebrero 10 hanggang 18, 2024, ang anim na ektaryang TLC Village sa C6, Barangay Bicutan, Taguig ay magiging "love park," mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi kapag Linggo hanggang Huwebes at 5:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi kapag Biyernes at Sabado.
May itinayong mga light displays sa Taguig Love at the Park na puwedeng kunan ng litrato para i-upload sa social media.
May kainan din sa Mercado del Lago.
Mapapakinggan din ang mga awitin ng pagmamahalan, lalo na ang mga awitin ng mga talentadong Original Pilipino Music (OPM) artists.
Ang Taguig Love at the Park ay bukas para sa lahat - taga Taguig man o hindi.
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Taguig Love at the Park sa Lakeshore C6, Bubuksan na sa Pebrero 10 hanggang 18, Libre ang Pamamasyal | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: