Maghaharap na ng kanyang kandidatura upang tumakbo muli bilang alkalde ng Taguig si Mayor Lani Cayetano ngayong araw na ito, Oktubre 7, 2024 sa Convention Center ng New Taguig City Hall.

News Image #1

(Larawan ni Jayson Pulga]


Isang programa muna ang isasagawa sa Pamayanang Diego Silang Covered Court
Barangay Ususan, Taguig City ngayong umaga bago magtungo ang Team TLC sa Taguig Convention Center sa naturan ding barangay.

Sa pinakahuling ulat ng Commission on Elections - Taguig, tanging si Arnel Cerafica pa lamang ang naghaharap ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Taguig, at ang asawa naman nitong si Janelle Cerafica ang tanging nagharap ng kandidatura sa pagka-bise alkalde (habang isinusulat ang balitang ito).

News Image #2

(Larawan ni Dexter Terante)