Ang naturang mobile diagnostics van ay kayang magsagawa ng chest x-ray, ECG, ultrasound at laboratory tests tulad ng complete blood count with platelet count, random blood sugar, blood typing at urinalysis.
Ang lahat ng serbisyo sa mobile diagnostics van ay libre para sa mga mamamayan ng Taguig City.
Layunin ng pamahalaang lungsod na maipaabot sa mga mamamayan ang kanilang tulong-pangkalusugan lalo na kung hindi na makapunta sa pinakamalapit na barangay health center o sa pagamutan ang mga mamamayan.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ito ay bahagi ng kanilang layunin na maisabuhay ang kanilang TLC agenda o Transformative, Lively and Caring City. "Sa ilalim ng Caring City, malasakit, pagkalinga, pamahalaang siyang lumalapit sa ating mga kababayan at naghahatid ng serbisyong abot-kamay po ninyo," ayon kay Cayetano.
May limandaan kataong dumalo sa paglulunsad ng Taguig Mobile Diagnostics Van at nakapagpa-libreng checkup, pabunot ng ngipin, at may mga naiuwi pa silang mga gulay.
Ang Taguig Love Caravan ay ang kauna-unahan sa mga programang pangkalusugan sa Taguig kung saan nag-iikot ang mga medical personnel ng pamahalaan lungsod sa iba't ibang barangay upang magbigay ng libreng check-up, gamot, dental services, diagnostics services at pagkaing malusog sa mga mamamayan ng Taguig.
(Photos by Taguig PIO)
(Video by Councilor Nicky Supan)