Nagpadala ng mensahe ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga barangay sa Makati na malilipat na sa Taguig makaraang magdesisyon ang Korte Suprema na ibigay sa Taguig ang pagmamay-ari ng Fort Bonifacio at ng mga "embo (enlisted men's barrio)" barangays kasama na ang barangay Pitogo.
"The separation from Makati may be hurting, and we acknowledge your sentiments. We respect your emotional attachment to Makati, which took care of your welfare for a long time, and we understand your fears that Taguig would be unable to give the social benefits you have been enjoying," ang nakalagay sa pahayag na ipinadala sa ilang barangay sa Makati.
"We assure you that Taguig is prepared to take on the responsibility of governing your communities with the same commitment and solicitude it has done with its 28 barangays," ang paniniyak ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa mensahe.
Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na hindi lamang social benefits ang kanilang ibibigay kung hindi magiging katuwang nila ang mamamayan sa kanilang pag-unlad sa pamamagitan ng mga oportunidad para umunlad ang mga negosyo at dumami ang mga trabaho.
Hinikayat din ng Taguig ang pamahalaang lungsod ng Makati na makipagtulungan para maging maayos ang paglilipat ng mga nasabing barangay. "Our differences in this legal case should not deter us from cooperating for our mutual benefit. We also call on all government agencies to initiate taking steps for a speedy and full transition."
Sa resolusyong inilabas ng Korte Suprema noong Hunyo 26, tinuldukan na nito ang mahabang panahong pag-aagawan ng Taguig at Makati sa pagmamay-ari ng Fort Bonifacio, Barangays Comembo, Cembo, South Cembo, Pembo, West Rembo, East Rembo, at Pitogo.
Sa huling pagtatangka ng Makati na magharap ng ikalawang motion for reconsideration, binalewala na ito ng Korte Suprema dahil ito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Rules of Court.
Taguig Nagpadala ng Mensahe sa Makati | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: